NAGHIWALAY SINA NOAH at Manolito na walang sama ng loob sa isa’t isa. Hanggang sa huli ang tunay na magkaibigan ay nagkakapatawaran. Subukin man ng tadhana ay magkasangga pa rin sa anumang balakid at suliranin na kanilang pagdaraanan. Halos buong araw ang tinagal ng biyahe ni Noah at Ethan. Magmula Osaka papuntang Seoul, Korea, Seoul to Chicago, Chicago to New York. Labing-dalawampu’t tatlong oras ang tinagal nila sa himpapawid at sa palilipat-lipat na paliparan. Habang nasa biyahe at natutulog ang anak na si Ethan. Isa-isang binuksan ni Noah ang mga liham ni Josie para sa kaniya. Isa roon ay hindi n’ya na napagilan ang kaniyang damdamin. Naluha si Noah sa bawat katagang isinulat ni Josie sa kaniyang liham. . . Mahal, Patawarin mo sana ako dahil bigla na lang akong naglaho. Masakit pa