MAS MAINAM NA maikondisyon ni Emma ang isipan ni Noah. Alam niyang nakuha nito ang ibig niyang ipahiwatig. Gustohin niya mang si Ethan ang piliin ni Noah sa huli. Subalit may anak itong hindi pa man naisisilang sa mundo ay nasa bingit na ng kamatayan. Dalawa kontra sa isa. Katulad kay Josie, ganito rin ang sitwasyon niya noon. Ang kinaibahan lamang ay araw iyon ng kapanganakan ni Donalinda. Araw kung kailan parehong kagalakan at pighati ang naranasan ni Emma. Namimilipit man sa hapdi ng hiwa sa kaniyang braso. Pinilit ni Emma takpan muli ang lihim na lagusan. Walang dapat makaalam na nakaalis na ang pamilya ni Noah. Ang pulang alpombra ang nagsisilbing proteksyon ng lagusan. Si Scarlet ang may gawa noon. Sinadya niya iyon upang maprotektahan ang kaniyang anak sa oras na pagtutuos ng kani