ISA-ISANG LUMARGA ANG Black Hunter nang mapalibutan na ng Red Phoenix at Black Stone ang buong gusali. Pinagtataka pa rin ni Noah kung paano ni Josie nakabisado ang lugar na iyon. Pinigilan ni Noah ang pagkalabit ng gatilyo ni Manolito. Walang dadanak na dugo sa mahalagang araw ng buhay nilang mag-asawa. Alam ni Noah na hindi maglilihim sa kaniya si Josie. Ramdam niyang may dahilan kung bakit nito alam ang pasikot-sikot ng lugar at kung paano nito nakilanlan ang mga tauhan ng kaniyang ama. “Lito, ‘wag mong dungisan ang iyong mga kamay ng dahil sa kaniya. Hayaan mong ang batas ang kumitil sa buhay ng iyong ama.” “Noah, kailan? Kung marami ng babae ang nabenta? Marami ng naabuso?” “Kuya Lito, hindi mo mababawi si Paloma at Kenji sa oras na mamatay siya ngayon. Wala tayong alam kung saa