MADILIM ANG MUKHA ni Noah at nanlilisik ang mata habang nakatitig kay Josie. Hindi naman tinanggal ni Josie ang pagkakakawit ng mga braso nito sa leeg ng asawa. Ramdam niya ang galit sa puso ng kabiyak. Maling ilihim dito ang kaniyang pagiinsayo at paghahanda sa pagsagupa ng kaniyang ama subalit wala naman siyang ibang pagpipilian. Nagtatago siya kay Noah noon dahil hindi niya ito maharap. Nahihiya siya sa maling disensyong nagawa. Si Ramiro at Ethan ang kasa-kasama niyang mag-insayo. Ang lugar na kinatatayuan nila ngayon ay alam rin ni Manolito. Isang abandonadong gusali. Sa likod noon ay masukal na daan. Isang dating detour sa ginagawang highway ilang buwan na ang nakalilipas. “Asawa ko. Patawarin mo ako. Hindi ko naman sayo masabi noon dahil nagtatago ako sayo.