NAKANGITI SI ETHAN habang naglalakad papalapit sa tarangkahan ng paaralan kung saan naghihintay sina Noah at Josie. Iwinawagway nito ang puting kard habang pagtakbong nilapitan ang kaniyang mga magulang. “Mukhang, masaya ang anak namin,” ani Josie. “Tingnan mo, Mama,” inabot nito ang tala ng kaniyang marka. “Aba! Magaling anak lahat ay letrang A,” ani Josie matapos ay hinagkan si Ethan. “Tiningnan mo mahal, mataas ang marka ni Ethan.” Inaot iyon ni Noah magmula sa kamay ni Josie. Sinipat ang tala ng marka ng anak matapos ay tiningnan ang likod nito kung saan nakatala kung ilang ulit lumiban sa klase. Apat na liban ang nakatala roon.Isang beses niya lamang itong nasita sa hindi pagpasok sa eskuwela. “Natutuwa ako sa marka mo, Ethan. Magalin