PATULOY NA PINAGMASDAN ni Manolito sina Josie at Noah. Habang tuwang-tuwa si Ethan na namamasyal kasama ang mga magulang nito. ‘Sana’y mahanap ko na rin kayo Kenji.’ Maya-maya ay tinawagan niya si Zion. Naglalakad na ito papalayo kung saan siya lihim na nagmamasid sa mga ito. Inalam niya kung saan papunta ang tatlo. “Maghahanap raw ng tindahan ng hayop, Supremo.” “Ano’ng klaseng hayop?” “Tuta ho yata. Iyong kulay tsokalate raw. Iyon ang narinig ko.” “Oh, sige. Bantayan ninyo ng maigi ang mag-anak. Huwag iwawaglit ang mga mata mo sa kapatid ko, Zion.” “Masusunod, Supremo. Aalis na ba kayo?” “Oo, sisiguradohin kong hindi makakatakas ang aking ama.” “Kailan ninyo balak sugurin ang kuta nila sa Cancun?”