SINUNDAN NI NOAH si Josie. Unang pagkakataon niyang makapasok sa Felicitas. Punong-puno ang kainan. Lahat ng mesa ay okupado na. Karamihan rito ay mga estudyante sa kolehiyo. Hindi iyon masasabing restawran dahil pawang karinderya ang ayos nito sa loob. Parang turo-turo iyon. Sa labas ay pawang karaniwang bahay. Maliit ang tarangkahan nito na kasya lamang ang isang tao sa pintuan. May dalawang palapag ang Felicitas. Sa taas ay may balkonahe. Doon napiling umupo ni Josie. Sa bandang dulo ay may bakante pang mesa. Mas tahimik at malayo sa ingay na mga parokyano. “Dito na lang tayo. Mahangin. Kapag sa loob pagpapawisan si Ethan,” wika nito. ”Puwede na ba ko kumuha ng pagkain?” tanong ni Cherry. “Aba! ‘Di ka na nahiya. Nakikisama ka na lang sa amin. Mauuna ka pa talaga, Cherry?” “Eh, sa gu