HINDI MAN HANDA natuwa pa rin si Noah sa sinambit ni Josie. Isa pa iyon sa katuparan ng kaniyang pangarap.Ang magbigyan niya ng buong pamilya si Ethan. “Mama, ibig sabihin, magiging totoong Mama na kita?” “Anak, mama mo ako.Pero ang totoong nanay mo ay si Molly. ‘Wag mong kalilimutang mahal ka rin niya. Binabantayan ka niya mula sa langit.” “Pero Mama hindi ko naman siya kilala. Ikaw ang Mama ko. Ikaw lang. Iniwan niya kami ni Papa. Kaya hindi niya kami mahal. Pero ikaw binalikan mo kami. Mahal mo kami.” “Anak, hindi ka iniwan ng Mama. Sino ba nagsabi niyan sa’yo?” “Si Tita Jewelle po.” Lihim na napamura si Josie. Demonyita talaga ang kapatid niya. Kahit nasa Pilipinas ito nagawa nitong pahirapan siya sa Cancun. Kinuntsaba nito ang mga tauhan ng kaniyang Papa upang pahirapan siya sa