Recto Avenue, Manila
"Kahit naman gustohin kong marangal at makakuha ng matinong trabaho. Haiskul lang ang tinapos ko. Mag-aapply ako sa fastfood o sales lady?' tanong nito sabay iling," Hay naku, Noah! Impossible! Hindi ako papasa. Second year college o tapos sa kolehiyo ang tinatanggap nila."
"May libring sekretaryal sa TESDA. Bakit hindi mo subukan?" tanong ni Noah rito habang naglalakad sa iskinita patungo sa bahay ni Paloma.
"Libri nga," sumimangot ito," wala naman akong laptop."
"Tutulongan kitang mag-parehistro. Tatlong araw lang sa isang linggo ang pasok. Siguro naman puwede mong gawan ng paraan, Paloma. Para sa iyo rin naman iyon. Hindi habang buhay mag-sasayaw ka na lamang sa club. Paano kung matulad ka sa nanay ko?"
"Akala ko ba—"
Mabilis na iniwasan ni Noah ang kaibigan at iniba ang kanilang usapan. Pagkuwan ay nag-paalam na.
"Mauna na ako. Siya nga pala may salo-salo kina Leandro mamayang gabi. Sabay na tayo pumunta," paalam ni Noah at tinalikuran na ang kaibigan.
Hindi naman nakatiis si Paloma hinabol at hinalikan nito si Noah sa pisngi. Hindi ni Noah kailanman nabanggit kina Leandro at Manolito ang patungkol sa kaniyang ina. Nakita niya ang lihim na mga larawan ng kaniyang ina na tinatago ni Selma. Ang kuwento nito ay nasagaan ngunit sa palagay ni Noah hindi iyon ang katotohan. Sa kadahilanang may mga kuha itong litrato na nagsasayaw sa entablado bilang pole dancer katulad ni Paloma. Malakas ang haka-haka ni Noah na nag-trabaho rin ito sa Pegasus.
"Hihintayin kita, Noah."
Tumango lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Tatlong kilometro ang layo ng Recto Avenue kung saan nakatira si Noah. Minabuti niya na lamang maglakad, paghehersisiyo rin iyon.
* * *
ALAS-TRES PA lamang ng hapon kaya sapat pa ang oras bago mag-sara ang tindahan ni Simon, ang suki ni Noah. Kung ano-anong makabagong kagamitang teknolohiya ang pinaayos nito sa kaniya. Mayr'on cellphone, Ipad, Android tablet, at laptop. Ang iba roon ay nakaw ang iba ay binenta sa murang halaga dahil hindi na maaaring kumpunihin pa.
Sadyang magaling si Noah pagdating sa larangan ng teklado at teknolohiya. Elementarya pa lamang kinahihiligan n'ya na iyon. Nagsimula sa laro gamit ang kumpyuter ng kaibigang si Leandro. Hanggang sa mas naging bihasa ng makakuha siya ng iskolarsip sa Linbergh University matapos makapagtapos ng valedictorian sa haiskul.
Mas naging bihasa si Noah sa larangan ng Computer Science. Siya ang naging pangbato ng unibersidad sa mga kompetisyon sa robotics, programming maging sa computer architecture at hardware engineering.
Pinagsabay ni Noah ang pag-aaral sa Lindbergh at ang pagtatatrabaho. Nag-aral si Noah sa TESDA (Technological Education and Skills Development Authority) kung saan kumuha siya ng libring kurso sa Electrical and Electronics at Information and Communication Techonology. Iyon ang naging daan upang magkaroon siya ng trabaho habang nag-aaral.
* * *
MAKALIPAS ANG HALOS isang oras na pagalalakad. Narating niya rin ang puwesto ni Simon sa Recto Avenue. Isa iyon sa mga malilit na tindahan ng mga peke o pinaratang cell phones at kompyuter. Marami rin mga kagamitang digital na gawa sa China o Taiwan.
"Noah, natapos mo agad?" ani ni Simon.
Tumango lang si Noah at inabot ang dala-dalang napsak sa kliyente.
"Narito lahat?" tango muli ang sagot nito.
Madalang siyang magsalita maliba sa kaniyang Imang, sa anak at kay Paloma. O ‘di kaya'y kapag na agrabyado ay nagiging matabil at matalas ang kaniyang tahimik na dila.
"Magaling bata," pagpuri ni Simon.
Matapos tingnan ang laman ng napsak. Dinukot nito ang pitaka at kumuha ng ilang daang libo. Ilang segundo pa ay inabutan siya ni Simon ng tatlong libo.
Kumunot ang noo ni Noah habang sinisipat ang pera. Binilang niya nang makailang ulit ang natanggap na salapi. Kumulo ang kaniyang dugo ng mapagtantong kulang ng siyam na libo ang inabot nitong bayad. Dapat ay sampung libo sa cellphone at dalawang libo sa laptop at tablet.
Iyon ang napagkasunduan nila ni Simon ng kumbinsihin siya nitong kumpunihin iyon. Kinailangan niyang i-reprogram upang mabenta ang mga ito na parang bago. Factory reset at kailangan niya pang burahin ang lahat ng files ng mga iyon at lapatan ng makabagong software program at applications.
Pinilit ni Noah na kontrolin ang sarili. Kaya hindi niya ito agad binulyahawan. Marahil ay wala itong sapat na pera upang ipangbayad sa kaniyang serbisyo.
"Simon, kulang," malumay na saad ni Noah.
"Sapat na 'yan. Madali lang naman ang ginawa mo," wika nitong sa maangas na tono.
Para bagang ilang minuto lang ang ginugol niya o 'di kaya' binukas sara lamang ang mga iyon at ayos na. Hindi na napigilan ni Noah ang sarili at nagsalita na.
"Simon, kulang na kulang. Dalawampung piraso ng cell phone ang pinakumpuni mo tapos tatlong libo lamang ang ibabayad mo sa akin? Paano 'yong laptop at tablet? Hindi mo babayaran?" pabulyaw na sagot ni Noah kay Simon.
Nagsawalang kibo lamang si Simon at pinatuloy ang pagsipat sa cellphone sa loob ng napsak.
"Simon, limang daan ang bawat isa.Iyan ang ating usapan. ‘Wag naman ngayon. Matagal na kitang kliyente. Wala namang gagohan. Oras at pagod ang ginugol ko sa mga 'yan," paliwang ni Noah.
Hindi man lang ni Simon tinapunan ng tingin si Noah na tila ba hindi nakikinig sa hinaing nito.
"Tatlong libo? Nakaka-insulto ka! Alam ko kikita ka ng isang daang libo o higit pa. Aminin na ang buong bayad ko!" sigaw ni Noah sabay hablot sa napsak na hawak ni Simon.
Mapagmasid si Noah kapag nagagawi sa Recto Avenue. Madalas na may raid sa lugar na iyon. Kailangan maging alisto at maingat sa mga kaganapan sa kapaligiran.
Kailangan niya ang perang iyon para sa virtual game na kaniyang binubuo. Simula sa ika-tatlong-taon sa kolehiyo ng simulan ni Noah na i-program ang laro. Maraming trials at errors. Ngunit mas may basihan na ngayon ang kaniyang imbensyon. Kulang na lamang ay makalikom ng sapat na halaga para makapagpagawa siya ng digital laser contact lens.
Nanatiling software program lamang ito hanggang hindi pa ito masubukan ni Noah. Ngayon impossible na dahil ang inaasahan n’yang pera ay hindi niya na makukuha pa. Gadyet na lamang ang kinakailangan upang maisakatuparan ang aktibasyon ng Ominous Solstice.
"Akin na 'yan," pakikipagagawan ni Noah ng napsak kay Simon.
"Siyam na libo, Simon! Amin na! Kung wala kang sapat na badyet. Kahit pitong-libo na lang."
Tinalikuran ni Simon si Noah at pumasok sa maliit na pintuan. Inakala ni Noah na dala nito ang pera sa paababalik. Ngunit matigas na metal ang tinutoktok nito sa kaniyang sintido.
"Umalis ka na, Noah!" agresibong nitong wika," kung hindi. Hindi ka na sisikatan ng umaga."
Nanginig ang kalamnan ni Noah. Narinig niya naman ang papalapit na silbato galing sa sasakyan ng pulis. Sa takot at kaba bibitawan niya na sana ang napsak. Hindi iyon tama kaya lumaban siya. "Pinagbabantaan mo ba ako,Sim—"
Hindi na natapos pa nito ang sabibihin dahil malakas na wang wang ang nagpatalilis kay Simon palayo sa kaniya. Nang mapagtanto na baka siya ay pahamak napamura sa sarili si Noah.
"Naknampuchang, dirty job na 'to! Bakit ba kita pinatulan?"
Tahimik na naglakad si Noah palayo sa kinaroronan animo'y walang ilegal na ginawa.