Tondo, Manila
SUKBIT ANG NAPSAK na may laman ng mga gadyet. Tahimik na naglakad si Noah sa kahabaan ng Recto Avenue hanggang sa Tutuban Centermall. Papasok sana siya roon upang magpalamig ngunit kahina-hinala ang daladala n'yang sangkaterbang cellular phone.
Nagpatuloy na lamang si Noah sa paglalakad pabalik sa Tondo. Marahil ay baka maari siyang humingi ng tulong kay Manolito. Baka may kakilala itong puwedeng bumili ng mga cellphone na nakumpuni niya. Nangangamba man na baka balikan siya ni Simon. Kailangan niyang gawin iyon at sumugal.
Mag-alas otso na ng gabi ng makarating si Noah sa bahay ni Paloma. Sinundo niya ito at tinungo na sa bahay ni Leandro.
"Akala ko hindi ka na darating, Noah," ani Paloma.
“Darating nag-kaaberya lang. Walang hiyang Simon niloko ako.”
“Hindi ka binayaran?”
“Tsk! Tatlong-libo.”
Napansin ni Noah ang suot ng kaibigan. Himala at hindi ito nakadamit na kulang sa tela. Balot na balot si Paloma. Nakapitpit na damit na mahaba ang manggas at pantalon na hakab ang hugis ng balakang, puwetan at binti nito. Ngunit kitang-kita pa rin ang naghuhumiyaw na dibdib nito.
"Mabuti naman at iyan ang sinuot mo," puna ni Noah sa kaibigan,"mas desente kung ganyan parati ang kasuotan mo. Sana pati iyang sa harap tinakpan mo na rin.”
"Hmm. Alam mo naman ayaw ni Leandro ang halos hubo ng damit," paliwang ni Paloma.”Pero gusto niya iyong nakikita itong mga bundok ko.”
Umiling-iling si Noah sa sagot ng kaibigan,”hindi pa rin ba napapawi iyang pagtingin mo para sa kaniya?"
"Hindi kailanman. Unang pag-ibig ko si Leandro siguro siya na rin ang huli. Ngunit kung ako'y iyong pagbibigyan mas mamarapatin kong ikaw ang aking makatuluyan."
"Paloma, kapatid ang turing ko sayo. Sana ay maitindihan mo. Isa pa may anak na ako."
"Hanggang kapatid na lang ba talaga Noah?" malungkot na tanong nito kasabay ang pagpatak ng butil ng tubig sa kaliwang mata ng dalaga," wala naman kaso sa akin kung may anak ka na. Mahal ko si Ethan parang anak ko na siya."
"Marami pa akong pangarap sa buhay, Paloma. Ang pagkakaroon ng nobya o katipan ay wala sa aking plano. Magiging sagabal lamang ang isang relasyon sa pagtupad ko na makapagtrabaho sa SamTel. Malaking kumpanya iyon at mahirap makapasok. Kailangan kong pag-igihan ang aking programming portfolio para matanggap ako kaagad."
"Hindi kita maintindihan. Sa dami-rami ng kumpanyang gusto kang kunin.Bakit gusto mo sa SamTel?"
"Buo na ang pasya ko. Sakanila ko gusto ko magtrabaho. Magtatagumpay ako sa SamTel, Paloma.
"Eh, Noah, hindi ka naman nila tinapunan ng pansin, 'di ba?"
May punto si Paloma sa lahat ng pinasahan niya ng aplikasyon sa pagiging programista tanging SamTel ang hindi siya tinawagan.
"Paloma, iba sila. Makita mo mapapansin nila ang husay ko. At saka nasa Estados Unidos ang hedkuwarter ng SamTel. Pangarap ko iyon. Bukod tangi ang kanilang benepisyo sa mga empleyado. Idagdag pa ang oportunidad at pagkakataon ko para mahanap ang mga magulang ni nanay at mabigyan ng marangyang buhay ang anak ko."
"Kung saan ang tingin mo makakabuti para sainyo ni Ethan. Susuportahan ko ang pangarap mo, Noah."
"Salamat, Paloma at nariyan ka. Hindi ko man masuklian ngayon ang kabutihan mo sa amin ng anak ko. Balang araw makakabawi rin ako sayo."
"Ano ka ba, Noah? Matalik tayong magkaibigan. Naiba man ang takbo ng buhay ko o maiba man ang takbo ng buhay mo. Hindi mabubura ang pinagsamahan natin. Sabay tayong aabotin ang ating pangarap."
"Sabay tayong muling mangagarap," ani Noah.
HALOS KALAHATING ORAS ang layo ng marangyang bahay ni Leandro mula sa kanilang iskinita. Bagaman may sinabi sa buhay ang mga Verdadero nanatiling mapag-kawang gawa ang mga ito. Malapit sa mga dukhang katulad ni Noah, Paloma at Manolito.
* * *
Binondo, Manila.
Sa mansion ng mga Verdadero. Parang isang artista si Leandro sa dami ng mga dumalo sa kaarawan nito. Napakagarbo ng handaan sa hardin. Halos buong barangay ang imbentado pati na rin mga pulitiko ng mga kumadre at kumpadre ng mga magulang ni Leandro. Nang makita siya ng kaibigan at agad siya nitong dinaluhan.
"Salamat at nakarating ka, Noah," bati ng binata.
Nakasuot ito ng pulang bulaklaking polo shirt, nakamaong na pantalon at Michael Jordan na sapatos. Ang mga pinaglumaang damit ni Leandro ay namamana nilang dalawa ni Manolito. Minsan naman kahit hindi pa nito naisusuot ay binibigay na sa kanila. Mayaman man. Hindi ito matapobre. Hindi rin mayabang o maangas. Down to earth ika nga nila.
"Maligayang kaarawan, ‘tol. Pasensiya na wala akong dalang regalo," wika ni Noah.
"Basta ba'y dumalo ka ay sapat na sa akin. Come inside,” anyaya nito,” feel at home, ‘tol.”
Nakasimangot si Paloma dahil hindi siya binati ni Leandro. Dating kasintahan niya ito. Nakipaghiwalay siya rito bago pumasok sa Pegasus. Ayaw ni Paloma na madungisan ang reputasyon ni Leandro. Dahil hinuhubog ito ng mga magulang upang tumakbo bilang gobernador sa kanilang probinsiya.
"Siya nga pala, Noah. Mommy needs someone to install the computers in her office. Maari bang ikaw na lamang ang gumawa?"
"Walang problema. Kailan?"
"Bukas sana."
"Sa kapitulyo ba or sa barangay?"
"Sa bagong biling building ni Daddy sa Chinatown."
"Ah, sige. Bigay mo ang address. Gawin ko agad bukas."
"Kumain ka na. Maiwan muna kita. Ibinilin ko kay Manang Martha ipagbalot si Lola Selma at ang inaanak ko ng pagkain. ‘Wag mong kalimutan, huh, Noah."
"Salamat,’tol,” nanliliit si Noah sa sarili sa tuwing para siyang pulubing inaabotan ng abuloy.
"Bago ko makalimutan. Hiramin pala namin si Ethan sa susunod na linggo. Pupunta kaming mag-anak sa Laguna. Kung papayag ka. Isasama namin ang inaanak ko."
"Walang problema. Basta ba'y ibalik mo ng buo ang anak ko."
Walang alam si Noah sa pagkatao ni Molly. Ni hindi niya alam ang apelyido nito. Kaya sa birth certificate ni Ethan ay Verdadero ang nilagay niyang apelyido ng iparehistro ang anak. Napansin ni Noah na walang kibo si Paloma," Hoy! Nanono ka ba? Anong nangyari sayo?"
"Uuwi na ‘ko. Para akong hangin na hindi niya nakikita,” maktol nito.
"Kung hindi ka naman ba sambakol ng katangahan. Ipinaglaban ka't lahat ni Leandro. Makatapos ay iniwan mo lang.”
"Alam mo naman ang dahilan."
"Kahit na. Minahal ka niya, Paloma. Ikaw ang kauna-unahan niyang nobya. Iyong seryosong kasintahan. Ikaw itong nang-iwan. Ikaw 'yong tumalikod hindi siya. Dangan ikaw ang nagtatampo? Hindi rin kita maintindihan, Paloma. Kagaya ng hindi mo maintindihan ang kagustohan ko na magtrabaho sa Samtel."
Hindi sumagot si Paloma bagkus ay ginala ang mga mata. Totoo ang sinabi ni Noah. Ang laki niyang tanga. Inalok na siya nito ng kasal ngunit tinangihan niya. Hindi na nasilayan pa ni Paloma si Leandro. Naikot niya ang salas, kusina at veranda ngunit wala ni anino nito. Ilang pasada rin ang ginawa sa may hardin baka naroroon iyon kasama ng mga barkada nito sa liga. Ngunit wala si Leandro. Malamang ay umalis na ito at hindi siya gustong masilayan man lang.
Nagtagal lamang ng dalawang oras si Noah sa bahay ng mga Verdadero. Walang ibang bantay si Ethan kundi ang kaniyang Imang na kasalukuyang may karamdaman. Malayo-layo rin ang bahay ng kaibigan ngunit kaya naman lakarin lang. Taga-Binondo si Leandro. Sa Tondo naman silang tatlo nakatira. Pa-alis na sila ng habulin ni Martha.
“Noah!” tawag ni Martha.
“Manang Martha! Kumusta na po kayo?”
“Mabuti naman, iho. Ikaw?”
“Heto, amboy pa rin, ho” biro niya rito. Si Martha ang nagbigay sa kaniya ng palayaw na “Amboy.”
“Ay, heto ang pagkain para sa lola mo at ito naman kay Ethan."
Dalawang supot ng pagkain ang inabot nito na agad kinuha ni Manolito.
“Si Leandro ho, Manang?”
" Lasing na ang alaga ko. Aba't 'di nagpaalam sainyo? Eh, natutulog na. Kanina pa silang hapon nag-iinuman.”
“Hindi ko po nakausap ng matagal. May nilakad ho ako kaya hindi ako nakadalo agad,” ani Noah.
Tinapik-tapik ni Martha ang balikat ni Noah," Oh, siya, Amboy. Ikumusta mo na lang ako sa iyong Imang."
"Makakarating po. Mauna na ako, Manang Martha walang kasama si Imang at Ethan sa bahay."
Nagpaalam si Noah sa mga magulang ni Leandro. Kapagdaka'y iginala ang mga mata ng wala na si Paloma sa may tarangkahan ng mansin. Nakita niya itong nakatayo sa tapat ng silid ni Leandro sa ikalawang palapag ng bahay. Sumunod naman si Manolito kay Noah. Matapos ay inalok na niya si Paloma na umuwi na.
"Tara na! Umuwi na tayo," hila nito sa kaibigan na napako ang mga paa sa tapat ng kuwarto ni Leandro.
"Sige! Mauna na kayo, Lito. Pupuntahan ko lang si Leandro," ani Paloma.
"'Wag mong aswangin, Paloma," biro ni Manolito," baka langit ang puntahan n'yo!"
“Tse!”
Tinalikuran na sila nito at tuluyang pumasok sa kuwarto ni Leandro.
“Magkabalikan kaya sila?" tanong ni Manolito.
"Sana dangan parehong silang nagdurusa. Alam naman natin kung gaano nila iniibig ang isa't isa."
"Eh, ikaw 'tol? Kailan ka maghahanap ng bagong nanay ni Ethan?"
"Naku,'wag na. Masaya naman ang anak ko na kami lang tatlo nila Imang."
* * *