A/N: Sorry po for the typos. Read at your own risk. UNEDITED. NAGTATALO ANG DAMDAMIN ni Noah kung magagalit ba s’ya o matatawa na lamang sa ginawa ng anak. Hindi naman mawaksi sa isipan ni Ethan ang nakitang unggoy. Inakala ni nito na katulad ng Lolo Norberto niya dampotin niya lamang ay kaniya na ang laruan. “Halika na. Bumalik tayo roon sa kinuhuan mo niyan para mabayaran ko,” ani Noah. “Sir este eh, Noah, ‘wag na. Nabayaran ko na kanina pa. Eh, abala kasi kayo ni Josette maghalikan sa daan. Hindi n’yo na namalayan dumampot na ng laruan ang anak n’yo,”wika ni Elias. “Salamat, Elias.” “Wala hong anuman. Nasanay na rin ho ako kapag sinasama ng Papa n’yo si Ethan.” “Nasanay? Bakit? Ano’ng ginagawa ng anak ko kapag kasama ni Papa?” tanong ni Noah. “Ah, hinahaan lang ho ni Sir North