Warning: Unedited excused the typos. I will revise later. Thank you! ~ ~ ~ Chapter 43 | Pamamasyal KINARGA NI JOSIE si Ethan. Nagpatiuna na ito sa sasakyan. Sumunod naman si Noah nagugulohan pa rin. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang pagkakatulad ni Esmeralda at Celine. Para itong pinagbiyak na bunga. Pati ang promenente nitong nunal sa kanang kilay ay magkawangis. Pagkapasok ni Noah sa sasakyan. Hindi napigilan ni Josie na magusisa. “Maayos ka lang ba, mahal? Para kang nahintakutan?” “Huh?” ani Noah. “Tinatanong kita kung maayosa ka lang.” “Ah, oo. Maayos lang ako.” “Eh, bakit parang natutulala ka riyan?” tanong muli ni Josie habang inayos ang pagkakaupo ni Ethan sa kaniyang kandungan. Ayaw nitong maupo sa gitna nila ni Noah. Nakakapit ang mga munting braso nito sa kaniyang l