NAGISING SI JOSIE na wala si Noah sa kanilang silid. Nakita niya agad ang mensahe nito na sasaglit sa kaniyang opisina. Tulog na tulog pa rin si Ethan na ngayon ay yakap-yakap ang kaniyang alaga. Iniwan niya ang anak sa silid matapos makapagbihis. Saktong alas nueve na ng umaga ng makababa siya sa kusina. Agad na naghanda si Josie ng makakain nila. Pananghalian na ang kaniyang niluto bagkus na agahan. Maya-maya ay tumunog ang telepono sa bahay. “Mahal ko,” bungad ni Noah sa telepono.” May ipapabili ka ba? Pauwi na ako,” ani Noah. “Sorbetes ni Ethan, asawa ko.” “Gising na ba siya?” “Natutulog pa. Nagluluto ako malapit na itong matapos. Kakain na tayo pagdating mo.” “Ikaw ang gusto kong kainin,” aniya. Pabulong iyon sinambit ni Noah. “Tumigil ka, Noah. Nananakit pa ang buong katawa