Kabanata 108: KAPANGYARIHAN

1142 Words

NANATILI SI MANOLITO sa bahay ni Noah sa Brooklyn. Mas mapagpaplanohan nilang maigi ang pagsalakay sa teritoryo ni Gambino kung magkasama silang magkapatid. Samantala, nakiusap si Noah kay Manolito na magtrabaho s SamTel, New York. “’Tol, kailangan ko ng ispiya,” anas ni Noah. “’Ispiya? Mukha ba akong ispiya, Noah?” “Dalubhasa ka sa pagkukumpuni ng kompyuter, Lito. Kung kailangan mong mag-aral upang makasabay sa teknolohiya dito sa Amerika. Pag-aaralin kita. Kailangan kong magplanta ng isang tao upang magmanman sa lihim na pananabotahe ni Dixson sa akin.” “Binalaan na kita, Noah.” “Alam ko. Ito lamang ang paraan upang maipaghiganti ko ang aking ina at tiyahin, Lito. Iwinawaksi ko na ang balak kong pabagsakin ang kumpanya. Subalit unti-unti kong kukunin kay Dixson ang lahat na mayro’n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD