BALANSE NG SANLIBUTAN. Binuo ni Noah ang unang bagahi upang magkaraoon ng balanse ang mga manlalaro. Sa mundong hindi pantay-pantay ang mahina ay talo. Subalit sa mundong kaniyang nilikha ang lahat ay pantay-pantay at may kaniya-kaniyang abilidad. Lahat ay magkakaroon ng pagkakataong bumuo ng sariling kaharian. Kailangang mapasakamay ng bawat isang manlalaro ang susi upang makapasok sa ikalawang bahagi ng laro. Binalikan nilang apat ang kumunoy. Isa-isang nagpahalon sa lupa sina Skye, Winona at Phoenix habang si Bloom ay hawak ang kaniyang susi. Si Bloom ang sumagip kay Skye kapalit ng napanalunan niyang gintong barya sa pagkakakuha ng susi. Sumunod naman si Winona. Inubos ni Bloom ang napalunang barya upang isalba ang kaibigan. Naghati naman si Skye at Winona upang isalba si Phoenix. D