NAALALA NI NOAH ang laruang unggoy ni Ethan. Iyong nawala sa Japan. Si Bloom. Hindi ito makatulog na hindi yakap-yakap ang laruang iyon. Gustong-gusto ng kaniyang noon na iuwi iyong unggoy sa Manila Zoo. “Hindi pala kita malilimutan,” usal ni Noah. “Bakit naman?” tanong ni Josie. “Bloom ang pangalan ng laruan ng anak ko.” “May anak ka na pala,” may himig na kunwaring pagkadismaya kay Josie. Subalit sa kaloob-looban niya’y siya ay natutuwa. Hindi ito nagbalat kayo hindi tulad ng iba na magsasabi ng ibang pagkatao. “Limang taon na siya.” “Eh, nobya o asawa?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Josie rito habang naglalakad ang kanilang mga awatara papalayo sa lawa. Sinunod ni Noah ang naisip nitong sagot sa bugtong. Alam niya naman ang sagot doon. Ang hindi niya lamang alam ay kung ano’ng