NAGAATUBILI SI RAMIRO ibigay ang telepono kay Ethan. Naroroon si Josie at kasulukuyang nagkukulitan ang mag-ina. Kitang-kita niya ang kaligayahan sa mukha ng anak ng kaniyang amo. Hindi niya magawang putulin iyon. Subalit walang nagawa si Ramiro kundi abalahin ang mag-ina. Tuwang-tuwa si Ethan habang pinakakain ito ni Josie ng arrozcaldo. Pagkaalis ni Noah sa ospital. Tinawagan niya agad si Josie kung nasaan sila ni Ethan. Ibinilin nito sa kaniya na ipaalam ang mga ganap sa bata. Naging mag-kaibigan si Manolito at Ramiro noong nagsasanay ito sa akademya. Madalas na mabanggit ni Manolito ang kapatid nitong si Donalinda. Pagkakataon at tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa dahil hindi niya na kailangan hanapin ito. Matapos tawagan ni Manolito na hanapin si Josie. Naatasan naman siyang