Kabanata 86: PAMAMAYAGPAG

1565 Words

SINUNDAN SI NOAH ng matalim na titig ng kaniyang empleyado. Hindi siya komportable sa ganoong ugali nito. Nagbabadya ng benggansa kapag ganoon ang reaksyon ng isang tao. Napag-aralan niya iyon sa kumpanya ng kaniyang Papa. Itinuro sa kaniya ni Adam kung paano at ano ang gagawin kapag ganoon ang asta ng empleyado. Sa bawat kumpanya hindi maiiwasan ang may mga empleyado na hindi aayon sa pagbabago lalo na kung ang bagong amo nito ay mas bata kaysa kan’ya. Sa estado nila ni Wallace Smith, halos kasing edad na ito ni Elias. Dalawampu’t tatlong taon gulang lamang si Noah. Mahirap ang kinalalagyan niya dahil karamihan sa mga empleyado sa kaniyang departamento ay mas matanda pa sa kaniya. Binigyan naman siya ng pahintulot ni Dixson na bagohin kung ano’ng sa tingin niya makakabuti para sa SamTel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD