NAGKAKAGULO ANG MGA empleyado sa buong gusali ng SamTel New York ng pumasok si Noah sa kaniyang opisina. Masama ang pakiramdam niya dahil sa sunod-sunod na pagpupuyat upang pag-aralan ang pasikot-sikot sa SamTel. Programmer ang usupan nila ni Dixson subalit ang kinalabasan ay naging parte siya ng pamamahala ng sangay ng kumpanya ng amo sa Estados Unidos. "Kalahati ng kikitain ng Ominous Solstice ay mapupunta sayo lahat Noah. Nararapat lamang na mataas ang posisyong iatas ko sayo." Iyon ang huling katagang sinambit nito ng huli sila mag-usap. Ilang araw na ang nakaraan ng banggitin nito ang napa-agang paglabas ng bagong produkto sa merkado. Bago pa man ilabas ang Ominous Solstice nagpasagawa na si Dixson ng pagsusuri upang malaman ang target na konsumidor o mamimili ng virtual reality gam