Kabanata 40: Sa Ugoy ng Duyan

1626 Words

PAGDATING SA SASAKYAN naupo si Ethan sa kandungan ni Noah. Nakayakap pa rin ito sa kaniyang ama. Nilalaro-laro naman ang kamay nito ni Josie. “Saan mo gustong pumunta pagkatapos ng eskuwela ni Mama?” tanong ni Josie. “Choo-choo,” aniya. “Sa tren? Gusto mong sumakay si tren?” Tumango si Ethan kay Josie. “Eh, anong gusto mong kainin?” “Mama, Papa, bili Ethan toton tendi.” “Huh?” Kumunot ang noo ni Josie. Sa lahat ng bulol na salita ng alaga iyon na ang hindi niya agad naintindihan. Maayos na man ang pagbikas nito sa letrang S, K o Y. Nahihirapan ito sa kapag pinaghalo na ang patinig at katinig ng alpabeto. Araw-araw naman ang pagturo ni Josie ng abakada rito. Ngunit ganoon pa rin magbigkas ng bawat kataga si Ethan. “Mahal, cotton candy ang ibig niyang sabihin,” ani Noah. “Ah, cotton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD