NAPATANGA SI NOAH sa sinabi ng kaniyang ama. ‘Isang bilyonaryong katulad ni Norberto Echeverria ay mahihintakutan sa isang pangitain?’ Pangitain na kay Ethan nanggaling. Napaisip si Noah kung bakit si Ethan ang ginagamit ng kaniyang Lola Selma upang bigyan siya ng babala. Hindi pa lubusang nanunumbalik ang sigla ng anak dulot ng nangyaring sunog sa iskuwater. Patuloy pa rin ang pagbalik-balik nila sa saykayatrista. Nangangamba pa rin si Noah sa tuwing kailangan niyang iwan ang anak sa bahay. Mas panatag siyang kasama ito ng ama niya sa opisina. Sa NDI napupuntahan niya anumang oras ang anak. Hindi ni Noah matatawaran ang pag-aaruga ni Josie kay Ethan. Ngunit ito’y hindi pa rin sanay magalaga ng bata. Isabay pa ang pag-aaral nito sa kolehiyo. Bagaman iyon ay parte ng trabaho ni Josie may