MAKALIPAS ANG HALOS isang taong paghihirap ni Josie sa poder ng kaniyang ama.Natapos niya rin ang pagsasanay na halos ikamatay niya. Sinanay siya ni Gambino makipaglaban pisikal pati na rin ang humawak ng sandata. Isinasama rin siya nito sa mga panayan sa negosyo. Iyon raw ang kailangan pagdaan niya upang maging pinuno ng organisasyon. “Bakit si Kuya Lito hindi naman ng nagsanay ng ganito, Papa?” “Nagsanay si Manolito sa Tokyo, Donalinda. Sa angking galing ng kapatid mo makipaglaban. Hindi na kailangang magsanay pa katulad ng iyo.” “Paano kung ayaw ko sa posisyong inaatas ninyo sa akin? Bakit hindi ninyo na lang kay Jewelle ibigay ang posisyong ito, Papa?” “Dahil ikaw ang legal na Gambino,” sagot nito kay Josie. “Anak ninyo rin ni Nanay Emma si Jewelle, Papa. Kakambal ko siya. Siya a