NATIGILAN SI JOSIE sa sinambit ni Cherry. ‘Kaya ba siya nito bigla na lamang iniwasan?’ Habang yakap-yakap ni Josie ang kaibigan tinanong niya kung ano ba ang lihim na iyon. “Ano ‘yon Winona? Ano ang nilihim mo sa akin?” “’Wag ka sanang magalit sa akin, Josie. Dahil muntik na akong matuksong gawin ang inuutos sa akin.” “Ano’ng inutos? Sino nagutos sayo Cherry?” “Inutusan akong subaybayan si Noah. Subalit naging kaibigan siya sa akin. Ipapatay sana ako ng amo ng kapatid ko. Humingi ako ng tulong kay Tita Maristella na mahanap ang aking ama. Agad niya naman kaming sinundo sa Pilipinas ni Wade. Ilang linggo iyon bago ka naglaho, Josie. Akala ko katapusan na namin ng kapatid ko.” “Ba-bakit pinasusubay-bayan si Noah?” “Pinakukuha nila iyong code raw ng Ominous Solstice. Inutusan ako ni