CHAPTER 26 Lilianna Felix’s POV Pagkatapos kong marinig ang sinabi sakin ni Xenon, hindi ako sumagot at pilit kong ikalma ang sarili ko. Marahas kong pinunasan ang mga luha kong dumadaloy lang sa magkabila kong pisngi. Bakit ang sakit sa dibdib na makitang ga’nun ang nadatnan ko? Bakit tumulo ang mga luha ko? Kasi nasaktan ako dahil hindi ‘yun ang ineexpect kong makita? Akala ko, nagaalala siya sakin. Akala ko ba tutulungan ko siyang kalimutan si Farah pero parang ‘nung nawala lang ako ng ilang araw, hindi na niya ako naalala dahil nandyan si Farah. OO, alam kong wala akong karapatan para umaktong ganito pero nasasaktan ako. Mali bang masaktan? Wala akong magagawa dahil ‘yun ang naramdaman ko. Ang sakit sa dibdib, lagi ko siyang napapanaginipan gabi gabi at aaminin kong si Spencer ang