Kabanata 17 NAGISING si Amary na may nakahawak sa hita niya. Hindi pa siya nagmumulat ng mga mata pero ramdam niya ang mainit na kamay na nasa may itaas ang tuhod niya, tapos ay hihimas. May mali. Agad siyang nagmulat ng mga mata at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita si Chaos ang nakahawak sa kanya, bukod sa katabi niya ito. Agad niya itong sinapak sa mukha. "Damn it!" Gulat na bulalas nito saka nagtataka na tumingin sa kanya, "Bakit ka nananapak?" "E bakit mo ako hawak sa hita? Natulog lang ako nanghihipo ka na?" Aniya rito. "Ako nanghihipo?" Tanong nito kaya itinuro niya ang hita niya. "Ayan o, hawak mo pa." "Ikaw iyong nakaanday sa akin kagabi pa. Look," anito naman sabay turo rin sa hita niya. Nanulis ang labi ni Amary, "E baka kinuha mo ang hita ko." "Jesus. Aa