Kabanata 16 "MAHIRAP bang maging mayaman, Chaos?" Amary asked while lying on the bed. Tapos na silang kumain. Pagkakain naman ay hindi na sila nakipag-usap pa ni Chaos. May pagkakataon na siya ang nai-stress kapag sinasagot nito ang ina, pero nakikita naman niya ang paggalang nito kay Claudia. He doesn't yell at his mother. Iyon lang, talagang seryoso itong magsalita at magpaliwanag. Kung aakalain ay mapagkakamalan na napakasungit talaga. Nakatingin siya sa umiikot na ceiling fan. Katabi niya si Chaos na parang tingin niya ay hindi makuntento na walang ginagawa. Para itong bored na bored sa buhay dahil patunga-tunganga lang sila ngayon na dalawa. Kung ano naman ang tuwa niya at parang nakapagpahinga ang pagal niyang katawan sa paghahanapbuhay, siya naman ang kabaliktaran nito na parang