Kabanata 15 NAG-IISA sa kwarto si Amary nang biglang mamatay ang ilaw. Agad siyang napatingin sa pinto anng makarinig siya ng alingawngaw ng isang boses na tumitili. Agad siyang napahagikhik nang mapagtanto kung sino iyon. Ang mataray na si Adelaide malamang. Buti nga sa'yo. Aniya sa isip. Gamit ang flashlight ng kanyang smartphone ay kinuha niya ang lighter at ang kandelabra sa may malapit sa vanity mirror. Sabi kasi ni Adela ay talagang nagba-brownout madalas doon dahil sa rotational brownout. Sanay naman siya sa ganoon. Minsan nga ay isang linggo silang walang kuryente kapag hindi sila nakakabayad. Normal na lang para sa kanila nina Picolo at Watusi na madilim ang paligid tuwing gabi. Hawak ang kandelabra ay nagtungo siya sa pintuan. Gabi na pero wala pa sina Chaos. Ano na kaya ang