Kabanata 14 SINADYA ni Amary na kunwari ay mapunta sa lugar na pinag-iistambayan ni Juan Andres Bentley. Mag-isa ang lalaking naninigarilyo sa may mga tanim na puno habang namamahinga ang lahat. Niyaya ni Claudia si Chaos na pumunta sa kabayanan, at sinadya naman niyang hindi sumama. Nagkunwari siya na pagod na sa biyahe pero ang gusto talaga niya ay makausap ang matandang ito. Nilakasan niya ang loob niya na magpaiwan. Narito naman sina Picolo at natutulog sa kubo. Ang sarap ng buhay ng dalawa pero natutuwa siya dahil ngayon lang nila naranasan na magpahinga sa paghahanapbuhay. Nagpapahinga sila pero kikita sa huli. At kung hindi nga lang kalabisan ay baka ihiningi na rin niya ng trabaho ang dalawang kaibigan kay Chaos. Kaya lang ay mahirap na baka hindi tanggapin dahil may marka na sil