Kabanata 38 "TSK!" Iyon ang narinig ni Amary nang sabihin niya kay Clive na nasa building sila ni Juan Andres. "Sinabi ko na ngang huwag na. Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi nito sa kanya. "Gusto kong may magawa akong tama sa mundo kaya hayaan mo na ako. Buong buhay ko ay nangugulang na kami ng kapwa. Ngayon na lang ako gagawa ng tama, Clint," aniya sa lalaki sa kabilang linya. Bumuntong hininga ito at rinig na rinig pa rin niya, "All this time, I never thought that you'd take it seriously. Sinabi ko na sa iyo na huwag na. Napakakulit mo. Ngayon ginagamit mo pa ang salitang may magawa ka naman na tama." "Basta maniwala ka lang. Sige na at aakyat na kami. Babye." Hindi na nakasagot pa si Clint dahil pinatay na niya ang tawag. Tinanguan niya sina Picolo para pumasok na sila sa elevat

