Kabanata 39 "I AM damn leaving!" Mabilis na kumilos si Chaos papalabas ng opisina, at walang ibang sinabi kay Maggie liban sa mga salitang iyon. "Sir, but you resched the meeting at 1:30 in the aft—" "I don't care! Cancel it!" Aniya kaya yumuko ang babae dahil sa galit niya. Malalaki ang kanyang hakbang papunta sa elevator, pero anong sama naman ng timing na kalalabas lang doon ng kanyang ina niya. "Damn it, Mom! Not today!" Galit na sabi niya rito, at kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito. Nilayasan niya si Claudia, at ni halikan iyon sa pisngi ay hindi. He entered the lift, sighing. His heart is thumping. Sa gulat niya ay pumasok din doon si Claudia. "W-What happened? Are you okay?" Malambing na tanong nito sa kanya, na sa panidinig niya ay himala. Hindi siya umimik. Wala nama

