Kabanata 10 CHAOS couldn't forget his father's face when they met in the office this day. Kaagad na napasugod ang matanda sa opisina nang malaman na may babae siya sa bahay na itinatago. Iyon lang, hindi kaagad sila nakapag-usap ng Papa niya dahil may closed door meeting siya kanina. At ngayon na naaalala niya iyon habang nasa harap ng laptop, nangingiti siya at naiiling. Nakakatawa ang pagtataka sa mukha ni Leonardo kanina. At nakakatawa rin dahil naghintay talaga ang matanda na matapos siya para magkaharap sila. And Leonardo was so doubtful about his marriage. Mabuti na lang at legal ang lahat, at nagawa niyang paandarin ang lahat dahil sa pera. Walang kaduda-duda sa kasal niya kay Amary. Kahit saan man maghalungkat ang kahit na sino, may mga records iyon na makukuha. Parehas nilang