Kabanata 11 MABILIS na lumipas ang isang linggo na training ni Amary. Para siyang estudyante na gigising sa umaga at pupunta sa eskwela, tapos ay uuwi sa hapon—pagod na pagod. Ngayon ay araw ng Linggo kaya naman ang saya niya dahil walang pasok. Mamaya ay pupunta sila nina Picolo sa simbahan. "I love Sunday!" Bulalas niya sabay buka ng mga braso niya habang nakaharap sa main door. Nagpahangin kasi siya sa labas dahil sa bakuran ni Chaos, hindi amoy imburnal at bulok na hasang ng isda. Dito ay amoy bulaklak, amoy mayaman at amoy pera. "Pack your things!" Iyon ang sumalubong sa maganda niyang ngiti, isama na ang abs at malapad na dibdib. Hmn, almusal is in front of her very eye. Wala sa hinagap na napadako ang mga mata nita sa may puson ni Chaos. Nakasuot ito ng jogging pants na abuhin