Kabanata 12 THIS is so disgusting. Iyon ang naiisip ni Chaos habang nasa ilalim siya ng shower. Sinasabi na nga ba niya at hindi nag-iisa rito ang Mommy niya. Hindi talaga siya nagkakamali sa mga kutob niya. Until the very last minute, gusto talaga siyang i-set up ng nanay niya sa ex niya. Inaasahan na niyang makikita niya si Adelaide dito pero hindi niya alam na tatama siya. Mabuti na lang at hindi isinama ni Claudia sina Juan Andres at Charlotte. Wala naman sinabi ang ina niya sa kanya na may ibang tao na isasama sa bahay nila. Nang siya ay matapos na magbabad sa tubig, lumabas siya. Tulog na naman si Amary. Hawak pa nito ang smartphone pero hinayaan lang niya. Nakalaglay ang mga paa nito sa ibaba ng kama habang nakabulagta. He fixed his cotton short and walked toward the door. Lumab