Kabanata 42 SA bawat pagkakataon na napapapikit siya kagabi ay para siyang nananaginip nang gising. Napapamulat siya kaagad at hindi na makatulog ulit, o kung oo man, gising ang diwa niya at binabagabag ang isip niya ng samo at saring masasamang imahinasyon. Para siyang tinatawag ni Amary kaya sobra siyang nalulungkot at nababalisa. Nandito nga siya sa kwarto no'n. Ang bulaklak na padala niya sana dahil manliligaw siya ay hindi na niya pinakikialaman. Nakapatong pa rin iyon sa bedside table, na parang naghihintay na dumating ang supposed to be receiver. He's waiting for her to come back. And when the night passed by, he realized how much he longed for her. Ang kawalan ng presensya ni Amary ay nagdala sa kanya ng sobrang pangungulila. Hindi na siya sanay na wala ang asawa niya sa tuwing

