Jasmine Nakakadalawang balik na ako sa banyo dahil sa matinding pagbaliktad ng aking sikmura. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko kagabi at ganito na naman kasama ang timpla ng bibig ko paggising. Halos ramdam ko na ang panghihina. Wala naman ako maisuka kung 'di tubig at laway lang. Medyo kinakabahan na ako kung ano talaga ang nangyayari sa akin. Lagi na lang ganito kapag gigising ako sa umaga. Gigising ako sa umaga na magduduwal at pagkatapos ay makakaramdam ako ng matinding pagkahilo. May tanong na tumatakbo sa isip ko ngunit natatakot ako na iyon nga ang rason kung bakit ako ganito ng mga nakalipas na araw. Masama na ang kutob ko at kahit pilitin ko mang isipin na hindi mangyayari iyon ay hindi ko pa rin mapigilan ang matinding kaba. Hindi ibig sabihin na may iniinom ako na gamot

