Jasmine's POV "Hindi ako masaya, Jasmine... nasasaktan ako." Ang sinabing ito ni Mr. Cojuangco ang laman ng isipan ko sa mga nagdaang araw. Dalawang linggo na siyang wala dito sa mansion. Kung saan man siya naroroon ay hindi ko na inalam pa. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam at humihingi ng dispensa sa akin. Aasahan ko pa ba iyon? Kailan man hindi ko na inasaahang magbabago pa ang pagtrato niya sa akin. Mas gusto niya na nakikitang nasasaktan at nahihirapan ako. Pero bakit nasabi niya iyon sa akin? Nasasaktan siya dahil sa ano? Nasasaktan ba siyang saktan ako? Nakokonsensiya ba siya? Hay, ewan ko. Naguguluhan ako. Kahit naman makonsensiya siya ay hindi nito mababawasan ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Alam ko naman wala siyang konsensiya at malabong meron siya nito. H

