Sky's POV "Ano? Putang-ina naman, Sky! Ba't mo naman itinulak?!" Malakas na sigaw ni Erwin ang umalingawngaw sa loob ng opisina ko. Halos lumabas ang mga litid niya sa leeg sa lakas ng sigaw niya. Namumula ang mga mata niya sa galit at matatalim ang tingin sa akin. Napamura naman si Justin at halos papatay din kung tumitig. Inaasahan ko naman na ganito ang magiging reaksyon nila pagkatapos kong maikwento kung paano ko nakuha ang pulang marka sa mukha ko at kung paano ko siya nasaktan. Sa ipinapakita nilang galit ay lubhang napakalaki ng concern nila sa kanya. Ano kayang pinakain ng babaeng iyon sa dalawang ito at ganoon na lang ang pagpapahalaga nila sa kalagayan niya. "Sky, isipin mo naman na tao ang kaharap mo at hindi hayop! Babae siya, mahina ang katawan niya para sa pananakit mo

