"ANO'NG ginagawa mo, Ate?" may pagtatakang tanong ni Adel sa kapatid nang lumapit ito sa kanilang bihag . "Nakakaawa naman kasi, Adel. Kahit mabigyan man lang natin siya ng pagkain," sagot ni Antonette saka dampot ang pagkaing ihinanda para sa babaeng nakagapos o si Lovely. Kahit mortal silang magkaaway ng bihag nila ay hindi rin naman matiis ng puso niyang nakikita itong parang hayop. Palag nang palag kaya naman naghanda siya ng pagkain at kahit susubuan na lamang niya ito. Baka sakaling mapaamin niya sa ikinuwento ng nobyo kahit na mabilisan. "Huwag, Ate! Ano ka ba naman, Ate. Hindi ba't kabilin-bilinan ni Kuya Khalid na huwag natin siyang lapitan hanggang hindi siya dumarating? Baka tayo naman ang isunod niya kapag pinakawalan mo ang kriminal na iyan." Maagap na pagsalungat ni Adel