"HEY, Mom, what's the matter with you?" takang tanong ni Fatima sa ina. Bigla itong natigilan, pero hindi lang iyon. Nabitawan pa nito ang hawak na baso samantalang ang ganda nang pagkahawak. "Hindi ko alam anak bigla ko na lang nabitawan," alanganing sagot ni Ginang Gwendolyn sa bunsong anak. Handa na naman itong aalis patungong Mecca. "May problema ka po ba, Mommy? May alitan ba kayo ni Daddy? Or baka naman may iniisip ka? C'mon, Mommy, tell me baka makatulong ako." Inakay ang ina paupo sa sofa sa kanilang sala. Doon naman kasi niya ito nadatnan. "No, anak. Wala akong problema at mas lalong hindi kami nag-aaway ng Daddy mo. Sige na anak mahuhuli ka pa sa biyahe mo. Ako na ang bahala rito." Napailing bilang pagtanggi ng Ginang. "Are you sure, Mommy? Kasi puwede naman akong huwag muna