"DIYOS ko, sana sa gagawin kong ito ay mabawasan ang kasalanan ni Kuya at sana ay mapatawad niya ako," piping sambit ni Analyn habang sinusundan ang sasakyan ng magpinsan. Hindi nga lang siya nagpakita agad dahil ayaw ng maka-agaw eksena. Hinintay niyang magkaroon siya ng tamang oras kaya't ng narinig niya ang sinabi ng doctor na nangangailangan ng dugo ang binaril ng kuya niya'y hindi na siya nagdalawang-isip pa. Siya na mismo ang nagbuluntaryo na magbigay sa kinakailangang dugo. "Sa gagawin kong ito ay mabawasan man lang sana ang parusang ipapataw nila kay Kuya. Sa iyo naman Kuya sana ay mapatawad mo pa ako sa gagawin kong pagtestigo laban sa iyo," aniyang muli sa mahinang tinig. Ramdam na ramdam niya ang niddle na itinusok ng doktor sa kaniya para sa pagsasalin ng dugo sa lalaking na