"Ano'ng ginagawa mo rito?" maangas na tanong ng isang preso kay Khalid. "Ano sa tingin mo? Kita mo namang nakaupo lang ako eh!" masungit ding sagot ng binata. "Sus, huwag ka ngang masungit boy aba'y. Bagong salta ka lang pero mukhang iba ang apog mo ah." Pang-iinis pa lalo ng lalaki. Kaya't mas nainis ang mainitin ang ulo na si Khalid. Sasapakin na nga sana niya ito kaso may sira-ulong nagsalita sa tabi nito. "Kasalanan mo naman kasi, bro. Kita mo na ngang sa hitsura pa lang niya ay masungit na. Hayaan mo siyang mabulok dito sa bilanguan kung iyan ang gusto niya. Ang mahalaga ngayon ay tayong apat," anito. Napapaisip siya kung ano ang nais tukuyin ng mga ito. Hindi naman siya tanga at mas hindi bobo upang hindi maunawaan ang sinabi nito. "Kung may binabalak kayong labag sa batas huwa