As the days goes on... "A-ate," nautal na sambit ni Adel nang napagbuksan ang kapatid niya. Hindi niya alam kung paano siya nasundan ng bayaw at kapatid niya. Samantalang nagpakalayo-layo silang dalawa ni Reynold Wayne dalawang taon na ang nakaraan. "Kumusta ka na, Adel?" tanong pa ng bayaw niya. Kaya't mas wala siyang maapuhap na salita. Hindi niya tuloy alam kung paano sila pakiharapan. "Sino ang bisita natin, hon---" "P-pinsan, paano n'yo nalaman ang lugar na ito?" Ang pagtatanong sana ni Reynold Wayne sa asawa kung sino ang dumating ay hindi na niya natapos. Dahil kitang-kita niya ang hipag at pinsan na best friend niya. Hindi lamang iyon, nasa likuran ng mga ito ang mga magulang niya. Kaso bago siya muling makapagsalita ay bumaling sa kaniya ang asawa at nagtago sa likuran niy