Few months later... "Khalid! Nasaan ka ba anak?" habol-hahol ang hiningang saad ni Pierce. Dahil sa lakas ng boses ng tiyuhin ay agad-agad ding pumanaog si Khalid. Kaso sa unang pagkakataon ay nasaksihan niya itong galit na galit. "Bakit po, Papa? Aba'y sa lagay na iyan mukhang gusto mo akong kaining buhay," aniya. "Mali, anak. Kamo, baka sa unang pagkakataon ay nakatikim ka sa akin kung hindi ka magtapat. Ngayon isang tanong, isang sagot. Nasaan si Reynold Wayne?" balik-tanong nito. Kaso dahil sa nagmistula na silang nasa pageant. Question and answer portion. Kaya naman ay napataas siya nang paningin. Animo'y nanunumpa dahil itinaas pa niya ang mga palad. "Saglit lang, Papa. Wala akong maunawaan sa sinasabi mo. Sa pagkakaalam ko nama'y umuwi si pinsan sa inyo. Saka nagtataka nga po