KABANATA 22: MABILIS akong umahon sa kama at balak ng umalis pero maagap siya. Bukas na ang polo nitong suot at lantad na sa mga mata ko ang mabalahibo at malapad nitong dibdib. Pumiksi ako. "Where do you think you're going?" he growled. Para lang akong hangin na winasiwas niya at galit na hinarap sa kanya. Sumaboy tuloy sa hangin ang buhok ko. Habol ko ang hininga dahil kanina ko pa pala pinipigilan at dahil iyon sa tensyon na nadarama. "I'm on my period." There. Finally, I said it. Umawang ang kanyang bibig at tila hindi maapuhap ang sasabihin. Kumunot ang noo niya. Halatang nabigla at naguguluhan ngunit agad ding nakabawi. "Stop lying," aniya at umigting pa ang panga. Hindi niya man lang binitiwan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Hindi ako nagsisinungaling. Meron ako at