KABANATA 23: IBINALIK ko sa tauhan niya iyong cellphone niya. "Okay na. Aantayin ko na lang sa kwarto," sagot ko at nilagpasan na sila. Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa sa akin. Pagsara ng pinto ay tsaka ako napabuga ng hangin at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko! Parang nakikipagkarera sa kabayo. Wala sa sarili akong napakutkot sa kuko ko sa daliri. Kinakabahan ako sa reaksyon ni Marco. Nahihiya naman ako sa pinagsasabi ko. Gusto ko na lang manakbo at magtago. Napalingon ako ng malakas na bumukas ang pinto at niluwa doon seryosong mukha ni Marco. Naka-itim na muscle shirt at black taslan shorts. Suot din ang rubber shoes. Basa ang kanyang buhok at hinuha ko ay galing siya sa pag-eehersisyo. Napatingin ako sa dibdib niyang panay ang taas at baba na tila hinihi