KABANATA 24: KINAIN ko lahat ng sinabi ko. Gumuho ang paninindigan ko. Sa ganoon natapos ang pagpipigil ko sa sarili. Ganunpaman, pilit kong kinakapa sa aking puso kung nagsisisi ba ako na umamin ako pero wala akong maramdaman na ganoon. Nangingibabaw ang kilig at saya na malaya kong minamahal si Marco. Minamahal ko na siya sa paraan na gusto ko. May kaunting hiya pa sa akin sa tuwing gusto kong maglambing pero alam ko na kalaunan masasanay din ako. "You don't have to force yourself to be sweet. Kaya ko pa naman kahit ako ang naglalambing," naalala kong biro niya sa akin ng niyakap niya ako muli sa aking likuran habang nagsusuklay ng buhok. Wala sa sarili akong napangiti ng maalala iyon. "Hey! Lulu! Dito ka lang!" sigaw ko sa pusa. Napilitan tuloy akong habulin dahil tumakbo na. Dal