KABANATA 2

1029 Words
KABANATA 2:       KANINA pa ako hindi mapakali. Siguro dahil ito na ang araw ng engagement party namin ni Gregory. My palms are sweating. Panay ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan. Napatingin ako ako sa rearview mirror. Nahuli ko na namang nakatingin ang driver sa akin. Ilang beses na ito. Ako lang mag-isa ngayon sa sasakyan at on the way na din sa Manila Hotel kung saan gaganapin ang engagement party.     Nakasunod sa likod ko ang sasakyan ng aking P.A at Manager. Tinuring ko na silang kaibigan ko. Pinauna ko na din sila Mommy at Daddy. Kaka-text lang nila sa akin na nasa venue na sila. Gregory and his parents are on their way while our close friends are now in the Hotel.       I took my phone out from my clutch to check my social media accounts. Kaka-open ko lang pero may naamoy ako na kakaiba. Hindi naman matapang o masakit sa ilong. Nag-angat ako ng tingin.     "Sorry, Maam. Nagpabango lang ako. Nakalimutan ko kasi kanina," sagot niya sabay ayos ng black cap nito.     Nagabot ang aming mata sa front mirror. Mabilis nitong inalis ang tingin doon. Nagkibit-balikat na lang ako. Binagsak ko ang tingin sa aking cellphone. Wala sa sarili akong napahikab. Kumunot ang aking noo. Agad ang pagkabog ng aking dibdib.     Nag-angat ako ng tingin at nahuli ko na naman siyang nakatingin sa front mirror. Bigla ang pagliko ng sasakyan. Halos humampas ang ulo ko sa salamin ng bintana.      "A-anong nangyayari?!" bumadha na ang takot sa aking sistema.     Sobra ng lakas ng t***k ng puso ko lalo na noong hindi ko na makita ang sasakyan ng P.A at Manager ko na nakasunod sa akin! Nag-panic na ako lalo na noong may ilang sasakyan na tumabi sa amin at mga hindi pamilyar sa akin.     Panay na ang sigaw ko sa driver pero hindi ito nagsasalita. Balak ko sanang tumayo kaso nahilo akong bigla. Kasabay ng paghinto ng sasakyan ay siyang pagbagsak ko ng upo na tila naubusan ng lakas. Bumigat ang talukap ng aking mga mata.     "A-anong... anong gagawin mo..." mahina kong sabi.     Narinig ko pa ang pagbukas ng pinto at ang lalaking nagsalita doon.     "Bilisan mo! Kailangan ng madala 'yan kay Boss! Huwag mong gasgasan kundi yari tayo!"     "Kunin mo! Buhatin mo na!"       Mga huling salita bago ako tuluyang nawalan ng malay. Nagising ako mula sa napakahabang tulog. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Tumambad sa aking paningin ang wooden wall. Kumunot ang aking noo. Hanggang sa naalala ko iyong huling nangyari sa akin.     Nabuhay lahat ng dugo ko at mabilis na gumalaw para bumangon sa kama kaso nakatali na ang aking mga kamay! Umahon ang kaba at takot sa aking dibdib. Ipinilig ko ang ulo para mawala ang ilang takas ng buhok sa aking mukha. Nakahinga ako ng maluwag na ang mahaba kong silver gown ay nanatili pa rin sa aking katawan.      Ganunpaman, hindi maalis ang takot at kaba sa akin. Pinilit kong tumayo. Kabado na baka biglang bumukas ang wooden door at pumasok ang kung sino man para saktan ako. Pinasadahan ko ang buong paligid. Nagulat ako ng makita ang malaki kong litrato sa dingding!     Kuha iyon sa isa sa mga cover ko sa isang sikat na Magazine! Naka-infinity dress ako doon at ang set-up ay para akong nasa gubat. Halos maestatwa ako sa ibang maliliit na pictures ko na nakasabit.     Ang ilan ay kuha sa mga shows ko at concerts. Mayroon iyong sa taping. Hindi ko na kinaya tignan ang ilan. Habang nagtatagal ako doon ay mas lalo akong kinakabahan para sa sarili. Nanginginig ang aking katawan. Kahit na nakatali ang aking mga kamay ay kaya-kaya kong tumakas dahil malaya ang aking mga paa. Pero pinilit ko pa din na tanggalin ang aking kamay sa pagkakatali.      Nakahinga ako ng maluwag ng matagumpay kong natanggal iyon. Bakit hindi kasi nila hinigpitan. Hindi ko tuloy alam kung dapat akong magpasalamat na tanga iyong nagtali sa akin.     Hirap kong pinihit ang door knob. Bumungad sa akin ang malawak na bulwagan. Madilim at tanging ilaw lang ay nagmumula sa maliliit na lamp na nasa poste at chandelier. Hindi sapat para magliwanag ang lahat.     Nagulat ako sa biglang pagtunog ng sirena. Tumingin ako sa itaas ng pinto at mayroon doong ilaw na ngayon ay kulay pula at naghahatid na din ngayon ng ingay sa buong bahay. Kumabog ng matindi ang puso ko at nanakbo palayo doon. Huminto ako saglit para punitin ang aking gown. Mas madali akong makakatakbo kung maikli ito.      Bawat segundong lumilipas ay mas nakakapagpakabog ng aking dibdib. Naririnig ko pa din ang sirena at ang mga yabag at sigaw ng mga lalaki. Nagyon ay pinaghahanap na nila ako. Mabilis akong tumakbo ulit kahit na hindi ko pa natatastas ang sa likod ng aking gown. Halos magdugo ang aking mga kamay dahil pwersahan ko iyong nagawa.     "Nandito siya!"     Napahinto ako ng makasalubong ang lalaking naka-suit na itim! Lumiko ako at tumakbo. Nagsimula na kong umiyak. Kanina pa ko tumatakbo pero bakit wala akong makitang ibang daanan! Ang laki ng bahay o bahay ba talagang maituturing ito?     Hingal na hingal ako. Nakarating ako sa panibagong bulwagan. Ilan ba ang ganito dito. Natatakot akong tumakbo sa gitna dahil mas madali akong makita. Kaso nagsilabasan ang ilang lalaki para hulihin ako. Kagat ang aking labi habang hilam ang luha ng tumalikod ako para sana bumalik at maghanap ng ibang dadaanan.     Ang kaso ay mayroon na ding tatlong lalaki ang naroon. Wala na kong nagawa kundi tumigil. Napaurong ako. Puno ako ng takot. Wala akong choice kundi lumaban. Ipagtanggol ang aking sarili. Sobra-sobra kong naa-appreciate ngayon ang ginawa ni Daddy na pag-aralin ako ng martial arts. Magagamit ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon.       Tumakbo ang lalaki papunta sa akin para sana hawakan ako kaso mabilis akong nakaiwas. Sumunod sa kanya ang dalawa pa pero mabilis kong pinilipit ang kamay nito kaya dumaing sa sakit.      Sinipa ko naman sa gilid ang isa. Umurong ako. Nasa likod ko ay mga lalaki pa din.       "Huwag niyong gagalawin! Lagot kayo kay Bossing!"     Kumunot ang noo ko. Narinig ko na iyon kagabi. Sino ba ang Boss na tinutukoy nila? Sino ang may pakana ng lahat ng ito at ano ba ang gusto niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD