KABANATA 3:
NANGINGINIG ako pero nilakasan ko ang aking loob at ipinakita ang sa kanila na hindi ako na tatakot na kahit marami na silang nakapalibot sa akin. I would rather die than letting them to catch me. Alam ko na kung anong mangyayari sa akin. It's either they'll rape me or kill me ruthlessly.
Pawis na pawis ako at hiningal sa ginawang paglaban kanina. Nakita ko na mayroong daan sa kaliwa pero may tatlong tauhan naman ang naroon. Hindi naman kalakihan ang mga katawan at tingin ko kaya ko naman kaya lang medyo dumarami na sila. Hindi ko na kakayanin kung pagtutulungan ako ng limang tao o higit pa.
Pasimple akong tumingin sa kabilang side para isipin nila na doon ako pupunta kung sakali.
"Huwag ka ng tumakas! Papahirapan mo lang sarili mo!" sigaw ng lalaki mula sa aking likuran. Napangisi ang tatlo sa aking harap at iniisip nila na sa kanan ako pupunta dahil may daan din doon. Nakakatakot ang malaking Mansion na 'to o mansion ba talaga ang tawag dahil paningin ko palasyo sa sobrang laki. Iyong mga nasa palabas na madilim at tanging wall lamp lang ang mayroon sa daanan. Para akong nasa castle ng Harry Potter.
Mas humarang sila sa kanan dahil doon ako nakatingin. Unti-unti na silang lumapit ng tumakbo ako sa kaliwa at dalawa na lang ang naiwan doon kaya ubod ng lakas kong sinipa sa tiyan ang isa at ang isa naman ay nahablot ang kamay ko. Hinawakan ko iyon at buong pwersya ko siyang binigyan ng groin kick dahilan para mabitiwan niya ako at mamilipit sa sakin habang sapo-sapo ang ibaba nito.
"Bilisan niyo!" dinig kong sabi ng tauhan.
Nagmamadali kong tinakbo ulit ang mahabang pasilyo. Nataaranta na ako at panay ang mura ko dahil tila ba walang katapusan iyon at puro bintana lang ang nakikita ko. Mataas pa. Hindi ako p'wedeng huminto at talunin iyon dahil sumusunod na ang mga lalaki sa akin.
"Oh my god!" bulalas ko at tila nabuhayan ng loob ng makita ang bakal na pinto! Nagliwanag ang buong mukha ko at mas binilisan ko pa ang takbo para makalabas na ng tuluyan.
Nanginginig pa ako habang hinahatak ang malaking bakal na harang doon. Napalingon ako at limang lalaki na ang sumusunod sa akin.
"s**t! s**t! Bilis!" mangiyak-ngiyak ako dahil ang hirap hilain ng bakal. Sinipa ko na dahil sa labis na frustration at ganoon na lang ang pagpatak ng luha ko ng tuluyan na iyong nahila at bumukas!
Napahinto ako ng ilang segundo dahil sa tindi ng liwanag galing sa labas. Sobra akong nasilaw pero pinilit kong maglakad pa rin kahit na pikit ang aking mga mata dahil sa inaalalang mga lalaking nakasunod sa akin kanina.
"Oh, god... oh, god... let me live, please... p-please..." humihikbi ko ng sabi habang unti-unti ng sinasanay ang mata sa liwanag.
"Bilisan niyo! Walang magpapaputok! Lagot tayong lahat!"
"Nikolas! Ibaba mo ang baril!"
Sa takot ko dahil sa narinig mabilis akong nanakbo at mabuti na lang ay naka-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Lumingon ako at sila naman ngayon ang napahinto dahil nasilaw. Nanakbo ako habang nakatingin sa kanila kaya ng pagharap ko ay siyang pagkagulat ko ng makitang may dagat! Nasa tuktok kami at may bangin!
Agad akong tumakbo pakaliwa ng hindi ko alam kung tama ba talaga ang desisyon iyong aking ginawa. Kung didiretso ako malamang katapusan ko na dahil nakita ko may mga bato sa ibaba at humahampas na doon ang mga alon.
Ang lakas ng t***k ng puso ko.
"Ah!" Napapikit ako at napahawak sa magkabilang tainga ng makarinig ng putok ng baril.
"Ayon! Ayon! Takbuhin niyo! Parang babae lang hindi niyo kayang sundan! Pare-pareho tayong malilintikan!"
"Huwag mong paputukan, Nikolas! Paglalamayan ka mamaya kapag ginawa mo 'yan!"
"Putangina naiinis na ko kanina pa tayo pinapahirapan!"
Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang nagtatalo sila dahil sa akin. Lumingon ako at tatlo na lang silang sumunod sa akin. Napabaling ako sa Mansion. Hindi. Mali.
Hindi Mansion kundi palasyo nga!
Umawang ang bibig ko. Saang lupalop ako ng bansa at bakit may palasyo sa gitna ng... Isla? May dagat. May bangin.
Nasaan ako?
Naguguluhan man ay hindi iyon dapat ang intindihin ko kundi ang makatakas. Kaya lang pagod na pagod na ako. Napahinto ako ng lumabas mula sa main door ang anim na kalalakihan at agad akong hinarangan. Lumingon ako at ang tatlong humabol sa akin ay hingal na hingal habang naglalakad papunta sa direksyon ko. Napatingin ako sa aking gilid. Kung tatakbo ako sa diresyon na iyon malamang mamatay ako dahil nakita ko ng may mga bato-bato sa ibaba. Bago pa ako makarating sa tubig patay na ko sa pagbulusok pa lang. Kaya ko ba talaga?
Magagawa ko ba talaga tumalon na lang at magpakamatay? Pero hindi ko pa alam ano talaga ang pakay nila baka magawan ko pa ng paraan.
Napatingin ako sa kabila kung nasaan ang palasyo. Alangan tumakbo ulit ako pabalik doon. Papasok ako eh tinakbuhan ko nga kanina.
"Wala ka ng kawala... sumuko ka na. Papahirapan mo pa kami," sabi ng pinakamatangkad sa kanila.
Akala ko sa mga ka-eksena ko lang makikita iyong mga goons. Pero bakit ngayon, totoo na. Gusto ko na lang magising kung panaginip lang ito o di kaya sabihin ni Direk na cut na at tapos na ang eksena. Pero hindi.
"Ano bang kailangan niyo sa'kin! Pera? Ha? Pera?! Bibigay ko lahat pakawalan niyo lang ako! Sige na... p-please! Hinahanap na ko ng pamilya ko. Ikakasal pa ko. Parang-awa niyo na!" Nanginginig pa rin ang aking katawan habang nakikiusap. Panay ang patak ng luha dahil sa takot.
Unti-unti ng nilalamon ng takot at kaba ang aking sistema. Tila ba unti-unti ngang nag-si-sink in sa akin na nasa peligro ang buhay ko. Na totoo ito. Na wala na rin akong pag-asa dahil na-corner na ako.
Ngumisi ang isa habang nalapit. Umatras ako at umiling.
"Hindi pera, Miss. Mas mayaman pa si Boss sa'yo kaya hindi niya kailangan ng pera," anito sabay senyas at tumagos ang tingin sa likod ko.
Huli ko ng na-realize na nahawakan na ko ng lalaking tinatawag na Nikolas.
"Let me go! This is kidnapping! Ano bang kailangan niyo para gawin sa'kin, 'to! Hindi naman pala pera ang kailangan ng Boss niyo!" Nagpupumiglas ako at sinubukan kong manlaban kaya lang lagi ng pumapalya dahil sa pagod. Bukod doon ay magaling talaga ang lalaki sa akin.
"Ang ingay mo!" reklamo niya habang hawak ako sa kamay.
"Ipasok na 'yan sa loob. Matatapos na ang meeting ni Boss kaya dapat ibalik na 'yan. Sa mga oras na ito malamang alam niya ng nakawala si Miss Greta. Kanina pa tumutunog ang sirena," sabi ng isa sa kanila.
Nagpumilit akong manlaban ulit ngunit napaigtad ng masipa ako sa tagiliran dahilan para ako ay matumba.
"Tangina! Bakit mo sinipa! Malilintikan tayong lahat! Sabi sa'yo 'wag ka ng makisali dahil mabilis uminit ang ulo mo!" ani ng isa sa tinatawag na Nikolas kanina.
"Nakakapikon! Kanina pa tayo sa kanya. Ka-babaeng tao, pahihirapan lang tayo!" galit niyang sabi.
Nanatili ako sa damuhan habang sapo ang masakit natagiliran. Suot ko pa ay ang rose gold lace gown ko. Ang buong akala ko sa engagement party ako pupunta pero sa impyerno pala ang bagsak ko. Alam ko nag-aalala na sila Mommy at Daddy. Ganoon din si Gregory. For sure pinapahanap na nila ako sa mga pulis. Mahahanap ba nila ako?
Sana mahanap nila ako bago mahuli ang lahat. Pakiramdam ko sobrang layo ko sa kanila. Na nasa isolated island kami. Wala akong ibang matanaw kundi Palasyo lang, bundok at dagat. Kahit sa pinakadulo ng kaya kong matanaw ay wala ni isang bahay akong makita. Nakakapanghina. Ang daming pumapasok sa utak ko na baka kung ano na ang gagawin nila sa akin.
I know... I know the person behind this is my stalker. Patunay lang na hindi pera ang habol niya dahil sa sinabi ng lalaki kanina. Base na rin sa nakita kong mga larawan ko sa kwartong namulatan ko kanina. Alam kong matagal niya na akong sinusundan.
Bakit may mga picture frame ako doon. Mula pa sa mga concert ko at tiyak akong VIP siya! Hindi basta-basta dahil na rin sa larawan na malapit sa akin sa stage. Sino ba ang afford bumili ng VIP seats. Syempre, iyong may pera. Kinikilabutan ako. Tumataas ang balahibo ko sa katawan sa tuwing iniisip ko na nakuha ako ng isang stalker. Halos mapuno niya ang kwarto ko ng mga litrato ko.
Sana... sana naniwala ako kay Gregory. Sana pumayag ako na magdala ng bodyguards pa. Ang mayroon lang ako palagi kapag nasa set o di kaya nasa concert. Kapag may araw na wala akong trabaho at lalabas. Wala akong kasama. Panatag ang loob ko. Hindi ako naniniwala na kailangan ko niyon kahit na nakita ko na may ilang fans akong tila ba nagpapahiwatig na sa pagiging stalker dahil sa pinapadalang larawan sa akin.
Ngayon, sising-sisi ako na hindi ako nakinig. Pero kasi... kasama ko din ang Manager at P.A ko. May convoy ako pero anong nangyari? Hindi nila ako nailigtas. Nawala din sila at ngayon ako na lang mag-isa sa hindi ko pamilyar na lugar.
"Tayo! Tumayo ka! Ang arte mo!" Hinila ako ng tinatawag nilang Nikolai pero hindi ako makatayo dahil sa sakit ng balakang.
Natigil kaming lahat dahil sa malakas na pagbukas ng malaki at bakal na pinto. Bumungad sa akin ang ilan pang tauhan na naka-suit and tie at pinagtulungan nilang buksan ang pinto. Nagulat ako sa lalaking lumabas doon. Nagmamadali ang bawat lakad at niluluwagan pa ang suot na neck tie na tila ba nahihirapan siyang huminga dahil doon. Panay ang galaw ng kanyang leeg na tila pinapatunog pa iyon.
"Boss!" Nabitiwan ako ng lalaki at dahan-dahan niya akong naibaba. Napatingin ako sa kanya at ramdam ko ang mga takot nila.
Napabaling ulit ako sa harap. This time nakalapit na siya ng tuluyan sa akin. Natulala ako dahil hindi makapaniwala. Ngayon alam ko na kung sino ang tinutukoy nilang Boss. Malayo sa hinagap ko kung sino ang may pakana nito kaya laking gulat ko na bakit siya at... bakit ako?
"Let me help you," he said using a deep cold voice. It gives a shiver down my spine. Nag-squat na ito sa harap ko habang pinagmamasdan ako.
Hindi ako makapagsalita. Gulantang ako at tila hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari. Nilahad nito ang kamay sa akin. Tinabig ko iyon at umurong. Bakas man ang takot ngayon sa aking mukha ay pilit kong pinapakita na handa pa din akong ipagtanggol ang aking sarili mula sa kanya. Hindi ko maalis-alis ang aking tingin sa kulay asul niyang mga mata. Binawi nito ang kamay pero madilim na anyo naman ang pinakita sa akin.
He's intimidating. Bakas sa tindig at awra nito na makapangyarihan talaga siyang tao. May lumapit sa kanyang tauhan at kinuha ang baril na nasa kanang kamay nito. Nilukob lalo ng kaba ang aking sistema. Ganunpaman, nakuha kong mapansin kung gaano siya kaperpekto. Habang tinitignan ko siyang lalo ay napansin ko ang tila maraming lihim sa likod ng kanyang magagandang mata. Matangos at manipis ang kanyang labi. Tulad ko ay may bakas din siyang pagiging Italyano. Ang mumunting bigote at balbas nito ay nakadagdag atraksyon sa kanya. Para siyang Greek God pero hindi ang pagkatao nito. Masama kasi siyang tao.
Lihim kong kinagalitan ang sarili. Paano ko nagawang purihin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Kinuyom ko ang aking kamay. Nananakit pa din ang aking katawan mula sa ginawang pakikipaglaban sa mga tauhan nito. Gumalaw ang panga niya habang madilim ang tingin sa akin.
"Y-you are... you are Marco Romano. You're the owner of Romano Cruise Lines. What do you want from me?!" hindi ko na napigilan na bulyawan siya. Takot man ako pero hindi ko ipinakita iyon. Buong tapang akong umupo mula sa pagkakahiga sa lupa. Napadaing ako sa aking balakang ng subukan kong tumayo.
Galit ko siyang tinignan. Nahuli ko ang pagsulyap nito sa aking balakang. Umigting ang kanyang bagang at walang sabi-sabing kinuha nito ang baril na nakasuksok sa gilid ng beywang ng katabi niyang tauhan! Mabilis nitong tinututok ang baril sa tauhan nitong nasa tabi ko.
Nanlaki ang aking mga mata! Nagmamakaawa ang tauhan nito at halata ang takot sa pagtutok ni Marco ng baril sa kanya. Sapo-sapo nito ang duguang binti at hita na si Marco din ang may gawa.
"Boss, 'wag! Parang awa mo na!" Umiling-iling ito at nagmamakaawa.
Umawang ang aking bibig at hindi ako makapagsalita. Mabilis kong tinignan si Marco pero walang bahid ng ngiti ang mukha nito. Pigil ang aking hininga at napatitig ako sa hawak nitong baril. Nang makita kong gagalawin na ang gatilyo ay pumikit ako ng mariin at tinakpan ang aking magkabilang tainga.
Nakadinig ako ng dalawang putok ng baril. Napatili ako at nanginginig na lalo sa takot. Takot ako para sa sarili dahil alam kong masasaktan ako o ikamamatay ko ang pagtatagpo naming ito ni Marco. Umiiyak na ako ng sinubukan kong idilat ang mga mata. Diretso lang ang aking tingin pero kita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata ang lalaking tauhan nito na ngayon ay nakahandusay na sa lupa. Hinihila na ng mga kasamahan nito paalis sa aking tabi.
Hindi ko alam kung magagawa ko bang makatulog ng mahimbing matapos ang nangyari ngayon. Lalo na tatatak sa isip ko ang pinatay na lalaki kanina. Gulong-gulo ako at walang maintindihan sa nangyayari. Nawala ang kaunting tapang ko kanina. Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko katapusan ko na.
Umiiyak ako habang nakatulala. Tahimik siyang lumapit sa akin. Napaurong ako. Para akong pusa na takot na takot at umiiling. Pero agad akong natigilan ng maisip na baka barilin niya ako bigla dahil hindi ako sumusunod sa kanya.
Nanatili ang diretso kong tingin. Nakalapit siya ng tuluyan sa akin. Tahimik lang ito habang pinagmamasdan ako Nagsquat siya at ang isang binti ay tinukod na sa lupa. Nanigas ang aking katawan ng hawakan nito ang aking basang pisngi.
"I am flattered that you knew me," anito sa baritonong tinig. Ngumisi ito habang tinitignan ako.
Takot na takot ako pero bakit tila may ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng hawakan niya ako. Nilapit nito ang mukha sa akin kaya napaiwas ako. Pigil ang aking hininga at mas lalong nanigas ang aking katawan.
"P-please, p-please... G-gusto ko ng... u-umuwi..." Napasigok ako.
Tinagilid ni Marco ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ako. Ngumisi ito na tila nakakaloko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Dahan-dahan itong umiling kaya mas lalong bumuhos ang luha ko at tumindi ang aking hikbi.
Umiwas ako ng akmang hahawakan niya ako. Nanlaki ang aking mga mata ng sinakmal nito ang aking magkabilang pisngi. Galit at pilit akong iniharap sa kanya. Mas tumindi pa ang aking takot na nadaraman. Tumambad sa akin ang galit niyang mga mata.
"I will keep you here with me. You will forget about your life as an actress and your idiot boy. Stick that in your pretty head, baby..." anito. Mahinahon man ang pagkakasabi ngunit bakas sa bawat salita nito kung gaano siya kadelikadong tao.
Napuno ng tanong ang aking mga mata kasabay ng aking paghikbi.
"Please... p-please, Marco," pagmamaka-awa ko. Halos maghalo na ang luha at sipon sa aking mukha. Pumikit si Marco na tila ninamnam ang mga sinabi ko.
Umungol ito at naghatid iyon ng kilabot sa akin.
"My name sounds so good when you say it..." sabi nito at nagmulat ng mata. Umiwas ako ng tingin habang humihikbi. Nanakit na ang aking panga dahil sa pagkakahawak niya.
Mas lalo akong kinilabutan. May kutob na ako kung anong gusto niya pero umaasa pa din ako na hindi at makakawala ako dito.
"P-pakawalan mo na... a-ako..." humihikbi kong sabi.
Ngumisi ito at tinignan ako sa mga mata habang tinagilid ang kanyang ulo.
"You're going to marry me, and you have to carry my next generation,"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
This guy is crazy!
He's obsessed with me!
Pinakawalan niya ang aking pisngi at tumayo ito habang pinagmamasdan pa din akong tila nawalan ng lakas sa narinig. Nakatulala ako habang umiiyak.
"Get her in!" utos nito at nagsi-kilos ang mga tauhan ni Marco para alalayan ako na itayo mula sa lupa. Nanlalambot ang aking mga tuhod. Naunang pumasok si Marco sa palasyo nito. Bumuhos pang lalo ang mga luha ko ng unti-unti ng napo-proseso ng utak ko ang mangyayari sa akin ngayon at sa mga susunod na araw. May pag-asa pa kaya akong makaalis sa kamay niya?
Pilit akong kumawala pero hindi ko magawa lalo na pagod na ang aking katawan at mas malakas pa sa akin ang mga tauhan niya. Pinagtulungan na nila akong hawakan. Panay ang sigaw ko at pagmamaka-awa. Naghalo na yata ang luha at sipon ko pero wala na akong pakialam. Natatakot na ako sa buhay ko at gustong-gusto ko ng umuwi.
"Gusto ko ng umuwi! Please! Please..." I pleaded. Buhos pa ang matinding luha pero tila bingi siya dahil hindi niya ako pinapansin. Pinagmasdan niya lang ako na hawak sa magkabilang braso ng mga tauhan nito habang pinipilit na iakyat sa taas. Tinignan ko siya ng puno ng pagmamaka-awa. Baka sakali... baka sakali lang na maawa siya at pauuwiin niya na ako.
Pero wala akong nakita. Walang anumang emosyon doon habang inaabutan siya ng mga tauhan nito ng nakasinding sigarilyo.
"Marco! P-please! I want to go home!" Humagulgol ako habang patuloy na nagpupumiglas kahit na mas lalo akong napapagod dahil sa ginagawa.
"Kuya... kuya! Parang-awa niyo na. Paalisin niyo ko dito!" nagmamaka-awa ko silang tinignan pero matigas ang kanilang itsura. Hanggang sa nagsisigaw na ako at nagwawala kaya mas lalo nilang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Palabasin niyo ko dito!" Pinukpok ko ang pinto matapos nila akong itulak papasok sa kaninag kwartong namulatan ko. Hindi maawat ang mga luha sa aking mata. Masisiraan yata ako ng bait kung magtatagal pa ako dito. Hindi ko kaya ang gusto niyang mangyari! Bakit ako? Maraming iba! Bakit kailangan na ako!
Unti-unti akong napaupo na parang nauupos na kandila. Yakap-yakap ang sarili at tila nawawalan na ng pag-asa. Panay ang hikbi ko. Wala ni isang nagbukas sa akin ng pinto. Maski katiting na awa sa akin ay wala akong nakita sa mga mukha nila.
Napalingon ako sa kanan at laglag ang aking panga ng naghiwalay ang dingding at iniluwa doon si Marco! Hindi ko alam na isa iyong sikretong daan! Walang kahirap-hirap siyang nakapasok sa kwarto ko! Napatayo ako sa at halos dumikit na sa pinto. Takot ako na makalapit siya. Lalo na sa nasaksihan ko kanina. Pinatay niya iyong isa sa mga tauhan niya.
Kitang-kita ng dalawa kong mga mata!
"You look like a scared cat..." aniya at napailing. Unti-unting lumapit sa akin. Nanginginig ako at ramdam ng likod ko ang lamig ng pinto. Natataranta kong hinawakan ang door knob at kinalikot iyon pero ayaw bumukas dahil nga naka-lock. Alam ko naman pero tila instict sa akin na iyong ang gawin dahil wala na akong makitang ibang paraan para makaalis.
Napatingin si Marco doon at napangisi. Nahigit ko ang hininga ng nilagay niya ang palad sa gilid ng aking ulo.
"You'll never end up like that s**t if you'll follow my orders. Be a good girl and I'll promise to give you the world," namamaos niyang sabi. Higit ko ang hininga at hindi makatingin sa kanya. Takot na takot ako at alam kong halata iyon sa aking reaksyon ngayon.
Nanuot sa ilong ko iyong amoy ng sigarilyo niya. Napapikit ako ng mariin.
"Take off your clothes for me..." bulong niya sa aking tainga dahilan para magmulat ako ng mga mata at tuluyan na namang bumuhos ang panibagong luha.