"Naku si Nanay talaga, likas na po iyon kay Ninong ang maalaga at mapagmagal pagdating sa akin. Nagkamali lang po siguro kayo ng pagtingin sa kanya, mahal po ako ng Ninong ko bilang inaanak at alam ko na ginagalang niya po ako, kaya hindi niya po magagawa iyon sa akin. Kaya wag na po kayong mag-alala diyan. Hindi po ganong klaseng tao si Ninong sa tagal po ng panahon na nakatira ako dito sa kanila, wala naman po ako sa kanyang napansin na kakaiba kaya tiwala lang po ako sa kanya," nakangiting wika niya dito. Pinilit niya na maging kalmado lamang lamang ang boses para hindi siya nito mahalata na sa totoo lang ay kinakabahan siya dahil sa sinabi nito. Di niya akalaing malakas pala ang kutob ni Nanay Meling hindi pa siya ready na malaman ang kanyang mga magulang. Ayaw din niya na magkaroon n