Naalimpungatan si Amaya at nagulat siya ng makitang maliwanag na sa labas ng bahay ibig sabihin umaga na nakatulugan na pala niya ang paghihintay sa kanyang Ninong Amir sa sofa. Hindi na nga siya nakahiga Nakaupo lang siya at nakasandal doon. Ibig sabihin walang dumating na Ninong Amir niya sa magdamag. Pinanlamigan siya ng buong katawan di niya maintindihan kung ano ang nararamdaman pero parang nahihilo siya na-ewan ang puso niya ay tila nakaramdam na naman ang paulit-ulit na tumutusok doon na napakasakit. Para ring pinipiga ang kanyang puso dahil sa kaalamang hindi talaga umuwi ang kanyang Ninong at natiis siya nito. Kusang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha mula sa kanyang mata di niya matanggap ang ginagawa sa kanya ngayon ng ninong Amir niya. Bakit kahapon lang iba ang p